--Ads--

Inireklamo sa pulisya ang isang contractual at commission-based sales agent ng isang kumpanya sa Cauayan City matapos umanong hindi i-remit ang kabuuang P262,215 na nakolekta nito mula sa plan holder.

Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya si alias “Josephine,” regional director o manager ng nasabing kumpanya sa Region 2, upang i-report ang umano’y misappropriation of funds o paglustay ng pera laban sa suspect na kinilalang si alias “Ron,” residente ng Barangay District 3, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report, noong December 16, 2023, nakapangolekta umano ang suspek ng P69,420 mula sa mga plan holder.

Gayunman, hindi umano nito na-remit ang nasabing halaga sa kumpanya at bigla na lamang umanong lumiban sa trabaho at hindi na nagpakita sa kanilang opisina.

--Ads--

Noong Hulyo 2024, nagpadala naman ng demand letter ang kumpanya na natanggap umano noong July 25, 2024 ng kamag-anak ng suspect na si alias “Rovita.”

Sa kabila nito, hindi pa rin umano nagbayad o nakipag-ayos ang suspect.

Sa isinagawang imbestigasyon ng kumpanya, natuklasan din na mayroon pang iba’t ibang nakolektang pera si alias Ron mula sa mga plan holder na umabot sa P192,795 ngunit hindi rin umano nito naideposito sa kumpanya.

Dahil dito, umabot sa kabuuang P262,215 ang halagang umano’y hindi na-remit ng suspect hanggang sa kasalukuyan.