--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang nakikitang mali ang dating Presidente ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa naging pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pondo ng Office of the Vice President.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Former IBP President Atty. Domingo Cayosa sinabi niya na normal lamang na magkaroon ng ilang katanungan tuwing may budget deliberation o budget hearing.

Aniya paraan ito ng ilang opisyal para maliwanagan kung saan dadalhin ang pondo.

Ang reaksyon na ito ay kaugany sa ganapan na sagutan nina Senator Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte.

--Ads--

Marapat na kung pondo o pera ng taumbayan ang pinag- uusapan ay iwasan na ng mga politiko na magpersonalan at pamumulitika na nauuwi sa pagkakainitan.

Dapat na magkaroon ng konreto o diretsong sagot para maiwasang malihis ang ilang usapin at mas mapabilis ang deliberasyon.

Hiling niya na isantabi ang politikahan kung ang trabaho ng legislature na usisain ang budget.