--Ads--

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng bag inspections sa mga paaralan.

Ito ay kasunod na rin nang naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng maraming iba pa.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Roger Masapol na ang pag-iinspeksiyon ng mga bag ay dati nang isinasagawa sa random basis.

Gayunman, dahil aniya sa naganap na karahasan sa paaralan sa Tacloban City ay tini­tingnan nila kung gagawin na itong mandatory.

--Ads--

Kabilang aniya sa ikinukonsidera nila ay ang laki ng paaralan bago ipatupad ang polisiya.

Paliwanag niya, magiging isang malaking hamon ang mandatory inspections sa mga paaralang may mala­king populasyon ng mga estudyante.

Inihalimbawa pa niya ang Parañaque National High School may 14,000 na estudyante.

Bukod dito, ilan pa sa mga pamamaraan na ikinukonsidera ng DepEd ay ang pagdaragdag ng entry at exit lanes sa mga gate ng mga paaralan upang mapabilis ang inspeksiyon.