Naghahanda ang Department of Energy (DOE) sa posibleng pagtaas ng demand at kakulangan sa suplay ng kuryente dahil sa mas mainit na panahon dulot ng El Niño.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, maaari ring tumaas ang presyo ng kuryente dahil sa supply at demand sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Posible umanong maapektuhan ang power generation capacity ng bansa kapag bumaba ang tubig sa mga ilog na ginagamit ng hydropower plants, habang maaari ring bumaba ang efficiency ng coal plants.
Samantala, sinabi ng DOE na wala pang epekto sa supply contracts ng mga oil company sa bansa ang pagbabawas ng fuel exports ng China.
Gayunman, inaasahang mananatiling mataas ang presyo ng fuel sa mga susunod na buwan dahil nakadepende ang Pilipinas sa imported fuel.











