--Ads--

Ititigil ng Marcos administration ang government-led fuel imports para sa Mayo matapos halos mapuno ang mga storage facility ng bansa, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, umabot na sa 54 araw ang national oil reserves, malapit sa maximum na 60 araw na kapasidad ng imbakan.

Sinabi ng opisyal na ang desisyon ay dahil sa sobrang dami ng imbentaryo at kakulangan na rin ng espasyo para sa karagdagang suplay.

Kasabay nito, nakaranas ng malalaking rollback sa presyo ng diesel at kerosene ngayong linggo, habang bahagyang tumaas naman ang gasolina.

--Ads--