--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) region 2 ang local transmission ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa tatlong bayan at isang lunsod sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan. inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na ang apat na may local transmission ay ang  mga bayan ng Gamu, Roxas, Naguilian at Lunsod ng Ilagan.

Sinabi ni Dr. Magpantay na maaaring maideklarang wala nang local transmission sa mga nabanggit na bayan at lunsod  kapag sa loob ng apat na araw ay wala nang maitatalang positibo sa virus.

Nilinaw ni Dr. Magpantay na ang pinagmulan ng local transmission sa mga nabanggit na lugar ay mga Locally Stranded Individual (LSI).

--Ads--

Inihayag pa ni Dr. Magpantay na para maiwasang makahawa ay  hindi dapat pauwiin agad sa kanilang bahay ang mga LSI at Returning Overseas Filipino (ROF)  kahit negatibo sa swab test  at  kumpletuhin ang 14 na araw na quarantine sa mga pasilidad ng lokal na pamahalaan.

Para mapigilan aniya ang paglaganap ng virus sa rehiyon dos ay dapat magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang mga LGU’s.

Ang pahayag ni Dr. Rio Magpantay.