--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng DPWH na hindi pa rin pormal na nabubuksan sa publiko ang Alicia Bypass Road dahil 84% pa lamang ang natatapos sa naturang proyekto.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Maricel Asejo ng DPWH Region 2 sinabi niya na bagamat hindi pa nagbubukas ang bypass road ay ipinagbabawal ang pagbibilad ng mais o palay maging iba pang mga agricultural crops sa anumang bahagi ng mga pambansang lansangan.

Ang pangunahing dahilan nito ay upang maiwasan na makapagdulot ito ng aksidente sa mga dumadaang motorista.

Muli ay nagpaalala siya sa publiko na alinsunod sa batas bawal ang magbilad sa mga kalsada kabilang ang mga bypass roads kaya hinihiling niya na sana ay itigil na ito.

--Ads--

Sa katunayan ay nakipag-ugnayan na sila sa concerned LGU para maipatupad nang maayos ang naturang alituntunin.