--Ads--

Muling inilunsad ng Bombo Radyo Philippines ang Dugong Bombo 2026: A Little Pain A Life to Gain, ang pinakamalaking one-day bloodletting drive sa bansa.

Ang naturang aktibidad ay isasagawa nationwide sa Nobyembre 14, araw ng Sabado sa 25 key-cities sa bansa kung saan may operasyon ang 32 fully digitalized AM at FM station.

Sa Bombo Radyo Cauayan, ito ay gaganapin sa F.L. Dy Coliseum sa District 2, Cauayan City, Isabela.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Philippine Red Cross.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Joyce Kristin Mye Blas, Quality Assurance Officer ng Philippine Red Cross Isabela, sinabi nito na life-saving activity ang blood donation sapagkat nakatutulong itong madugtungan ang buhay ng maraming taong nangangailangan nito.

Maliban dito, mayroon ding benepisyo ang pagdo-donate ng dugo dahil sa pamamagitan nito ay nare-replenish ang red cells sa katawan ng mga donors at posibilidad ding makaiwas sa coronary heart disease.

Isinasailalim din sa screening ang mga donors bago kuhanan ng dugo kung saan nasusuri kung sila ay qualified na mag-donate ng dugo. Sa pamamagitan nito ay nalalaman ng mga donors kung ligtas ba ang mga dinonate nilang dugo.

Ayon Jean Millet Collantes, Blood Service Representative ng Philippine Red Cross Cauayan Branch, sinabi nito na madalas silang nakakapagtala ng mga mabababa ang hemoglobin na isang indikasyon na hindi muna sila maaaring magdonate.

Kapag hindi aniya naagapan ang ng isang tao mababa nitong hemoglobin, maaari umano itong magdulot ng sever anemia kaya mahalaga ang laging pakikilahok sa mga blood-letting activities upang lagi itong masuri.

Samantala, nilinaw naman ng Philippine Red Cross kung bakit mayroong bayad kapag nagrequest ng dugo mula sa kanilang ahensya dinonate naman ito.

Ayon kay Blas, sinusuri muna ang mga dugo bago upang matiyak na ligtas itong isalin sa iba kaya nagkakaroon ng blood processing fee bilang tugon memorandum circular na mula sa Department of Health.

Para sa mga nagnanais maging blood donor ang mga qualifications ay dapat 18-65 years old, bagama’t pinapayagan din ang 16-17 years old pero dapat mayroon silang parent’s consent.

Maliban dito, ang blood donor aydapat mayroon ding sapat na tulog. Para naman sa mga may tattoo at ear piercing, pwedeng magdonate basta’t mayroon nang isang taon makalipas silang nagpa-tattoo o ear pierce.

May mga pagkakataon na pwede ring magdonate ang mga may maintenance na gamut subalit nakadepende ito sa magiging pagsusuri ng mga medical professionals.