--Ads--

Pasok na sa ikalawang round ng Madrid Open ang Pinay tennis star Alex Eala matapos ang impresibong panalo laban sa Russian veteran Anastasia Pavlyuchenkova, 6-3, 6-3.

Dominado ng world No. 44 ang laban at tinapos ito sa loob lamang ng isang oras at 31 minuto.

Humanga ang 34-anyos na Russian tennis star sa ipinakitang husay at composure ni Eala sa kanilang sagupaan.

Sa susunod na round, makakaharap ni Eala si Elise Mertens ng Belgium.

--Ads--

Kasabay nito, sasabak din si Eala sa doubles kasama si Zeynep Sönmez ng Turkiye.