--Ads--

Inaasahang darating sa Pakistan ngayong araw ang mga envoy ng Amerika na sina Steve Witkoff at Jared Kushner upang lumahok sa mga pag-uusap kasama ang Iran, sa kabila ng magkakasalungat na pahayag mula sa magkabilang panig.

Itinatanggi ng Tehran na may planong direktang makipagnegosasyon sa delegasyon ng US sa Islamabad, kung saan kasalukuyang nakikipagpulong si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa mga opisyal ng Pakistan.

Kaugnay nito, nagpahayag si US President Donald Trump na maghahain ng alok ang Iran sa Amerika, bagama’t hindi pa niya alam ang mga detalye nito.

Una rito, binanggit ni Trump na ang kawalan ng katiyakan sa pamumuno ng Iran ang nagpapahirap sa usapan.

--Ads--

Samantala, isang araw matapos ianunsyo ang tatlong linggong extension ng ceasefire sa Lebanon, nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na itutuloy nila ang pag-atake sa anumang banta sa kanilang bansa.

Ayon kay Netanyahu, sinusubukan ng grupong Hezbollah na suportado ng Iran na guluhin ang umiiral na tigil-putukan.