--Ads--

Binati ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio matapos lumabas na negatibo sa illegal drugs ang kanyang isinagawang drug test.

Gayunman, may banat pa rin si Remulla kay Respicio matapos niyang sabihin na ngayong nakumpirmang hindi gumagamit ng shabu ang bise alkalde, natural umano na may sayad ang kanyang utak.

Matatandaang hinamon ni Remulla si Respicio na sumailalim sa drug test kasunod ng mainitang pagtatalo nito sa mga barangay official sa Reina Mercedes, Isabela.

Samantala, sinabi ni Remulla na pinag-aaralan ng DILG ang posibleng pagpapalabas ng show-cause order upang hingan ng paliwanag si Respicio kaugnay ng insidente.

--Ads--

Nauna rito, hinamon naman ni Respicio si Remulla na sabay silang sumailalim sa live drug test matapos kuwestiyunin ng kalihim ang kanyang naging asal.