Umakyat sa $154.93 billion ang outstanding external debt ng Pilipinas nitong katapusan ng Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Mas mataas ito ng 5.1 porsyento mula sa $147.35 billion noong katapusan ng Marso, bunsod umano ng mga bagong pangungutang ng national government at private domestic banks.
Tumaas din sa 31.6 porsyento ng GDP ang external debt ratio mula sa 30 porsyento noong nakaraang quarter.
Sa kabila nito, sinabi ng BSP na nananatiling manageable ang external debt ng bansa dahil sapat ang foreign exchange buffers nito para tugunan ang mga obligasyong dapat bayaran sa susunod na 12 buwan.
Umaabot sa $104.74 billion ang gross international reserves ng bansa, higit tatlong beses kumpara sa $31.64 billion na short-term external debt batay sa natitirang maturity.











