--Ads--
Bumaba ng 34.8% ang net inflows ng foreign direct investments (FDIs) sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2026, na umabot lamang sa $1.03 bilyon mula $1.58 bilyon noong 2025, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, pangunahing dahilan nito ang pagbagsak ng investments sa intercompany borrowings at iba pang debt instruments. Karamihan ng FDIs ay mula sa Japan, United States, at Singapore, na napunta sa manufacturing, financial at insurance, at real estate sectors.
Para sa Pebrero lamang, nanguna ang United States bilang pangunahing pinagmulan ng FDIs. Ayon sa mga analyst, epekto ito ng global uncertainty, mataas na interest rates, at mabagal na investment timing, bagaman may bahagyang pag-angat kumpara noong Enero.











