--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang grade 2 pupil sa ilog na nasasakupan ng Barangay Malvar, Santiago City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay May Ibara, kapatid ng biktimang si Roberto Ibara Jr, 7 y/o, grade 2 pupil at residente ng Calao East, Santiago City, inihayag niya na kahapon ay iniwan nila ang kaniyang kapatid sa kanilang kamag-anak para magpatungo sa pagamutan.

2:00PM ng hapon ay hindi na umano makita ang kapatid hanggang malaman nilang patay na ito at palutang-lutang sa ilog.

Napag-alaman na 10:00AM ng umaga kahapon ay nagpaalam ang bata para pumunta sa ilog para mamingwit ng isda kasama ang kaniyang pinsang babae ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay.

--Ads--