CAUAYAN CITY- Matagumpay na na-dispose ng mga awtoridad ang isang hand grenade sa San Jose, San Pablo, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Aldrin Galay, Public Information Officer ng Regional Explosive Canine Unit (RECU) Region 2, sinabi niya na nakatanggap ng ulat ang Isabela PECU mula sa isang concerned citizen hinggil sa nadiskubreng hinihinalang granada sa road widening sa naturang lugar.
Agad naman na nagtungo sa lugar ang awtoridad sa lugar at napag-alaman na ang naturang pampasabog ay isang “heavily corroded” hand grenade MK2.
Dahil sa heavily corroded na ang naturang granada at hindi na ito ligtas I-travel ay napag-desisyunan nilang I-dispose ito sa isang ligtas na lugar sa naturang barangay.
Aniya, nilagyan nila ng gulong ang paligid nito bago pasabugin upang ma-absorb ang shock wave upang hindi gaanong maging malakas ang epekto nito.
Ipinagpapasalamat naman nila na naging epektibo ang kanilang information dissemination sa publiko dahil agad na naipaparating sa kanilang tanggapan ang mga natatangpuang explosive devise sa kanilang nasasakupan.