--Ads--

Muling bumagsak ang halaga ng Piso at lumapit sa ₱62 kada dolyar, matapos magsara sa ₱61.75 nitong Lunes, Mayo 18, ayon sa Bankers Association of the Philippines.

Bahagyang mas mahina ito kumpara sa ₱61.721 noong nakaraang Biyernes, habang bumaba rin ang trading volume sa $1.002 bilyon mula $1.199 bilyon.

Ayon sa mga market trader, mas naaapektuhan na ang palitan ng dolyar at piso ng sentiment at pangamba sa ekonomiya, bukod pa sa malakas na US dollar, mataas na presyo ng langis, at lokal na kawalang-katiyakan.

Posible umanong maabot pa ang ₱62 kontra $1 sa mga susunod na araw habang inaasahan ang malalaking paggalaw sa palitan.

--Ads--

Sinabi rin ng isang analyst na kabilang ang Pilipinas sa mga pinakaapektadong Asian currencies dahil sa pagtaas ng oil prices at US yields.