--Ads--

Itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang heightened alert status sa lahat ng units matapos maapektuhan ng pagbaha ang ilang bahagi ng Luzon at Mindanao bunsod ng ilang araw na tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na ang lahat ng regional at local units na i-activate ang disaster response teams at ihanda ang mga kagamitan para agad na makaresponde sa mga apektadong komunidad.

Nauna nang nakaranas ng pagbaha sa ilang lugar sa Quezon City at Davao City, na nagdulot ng mga paglikas sa ilang pamilya.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga local government units upang matukoy ang mga high-risk areas na maaaring kailanganin ng preemptive evacuation.

--Ads--