--Ads--
Tumaas ng mahigit P5 kada litro ang presyo ng diesel at mahigit P4 kada litro naman sa gasolina ngayong Martes, Setyembre 8.
Ayon sa Department of Energy, P5.18 kada litro ang dagdag sa diesel, P4.69 sa gasolina at P5.58 sa kerosene.
Samantala, sinabi ng DOE na posibleng lalo pang tumaas ang presyo ng langis kung umabot ang airstrikes sa Red Sea, na nagsisilbing alternatibong ruta ng suplay ng langis mula Saudi Arabia.











