--Ads--
CAUAYAN CITY- Nakumpiska ng mga otoridad ang 832 board feet ng mga iligal na pinutol na red lauan sa Sitio, Bulawan, Barangay Buyasan, San Mariano, Isabela.
Matagumpay na nasabat ng pinag sanib na pwersa ng DENR at San Mariano Police Station ang nasa 24 pinaro ng red lauan na may kabuuang halaga na 41,600 pesos.
Ang naturang mga kahoy ay ipupuslit sana palabas sa Bayan ng San Mariano subalit dahil sa anti-illegal operation ay napigilan ito subalit tumakas ang mga suspek.
Sa kabila ng masusing inbestigasyon ng San Mariano Police Station, nagpaalaman ang pagkakakilalan ng mga tumakas na mga suspek at sasampahan din ng kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code”or Illegal logging.
--Ads--