--Ads--

Nagpapatuloy ang full deployment ng Quirino Municipal Police Station upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko ngayong summer vacation sa  bayan ng Quirino, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Joseph Curugan, Chief of Police ng PNP Quirino, sinabi niya na 90% ng kanilang personnel ay naka-deploy sa mga strategic areas sa kanilang nasasakupan habang 10% naman ang nananatili sa himpilan ng Pulisya.

Mayroong dalawang ilog na binabantayan ang kanilang hanay—ang Siffu River at Mallig River. Aniya, maliit lamang ang ilog na mga ito at walang malalalim na parte kaya madalas sa resort nagtutungo ang mga residente roon. Gayunpaman ay mahigpit pa rin ang pakikipag-ugnayan nila sa barangay upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.

Maliban dito ay mahigpit din ang pagpapatupad ng PNP Quirino sa mg local ordinances gaya na lamang ng curfew, pag-inom sa gilid ng kalsada at pagta-topless sa mga pampublikong lugar.

--Ads--

Aniya, mayroon namang ilang mga violators na nahuli pangunahin sa mga lumalabag sa curfew hours. Karamihan sa mga ito ay mga kabataan dahilan upang naipatawag din ang kanilang mga magulang sa presinto upang bigyang babala.

Samantala, muling na-renew ang status ng bayan ng Quirino bilang drug-cleared municipality. Sa kasalukuyan ay wala nanag namomonitor ang mga kapulisan na kalakalan ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan subalit patuloy pa rin ang kanilang intelligence monitoring lalo na sa mga drug surenderee upang matiyak na hindi na sila bumalik sa dating gawain.