--Ads--

Nakatakdang isumite ngayong Lunes, Hunyo 15, ng House prosecution panel ang kanilang pre-trial brief sa Senate Impeachment Court bilang bahagi ng paghahanda para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pangungunahan ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang paghahain ng dokumento na naglalaman ng mahahalagang detalye at usaping tatalakayin sa paglilitis.

Ayon kay Luistro, mahalagang bahagi ng pre-trial brief ang mga stipulation of facts o mga katotohanang maaaring pagkaisahan ng magkabilang panig upang hindi na ito pagtalunan pa sa korte. Nakapaloob din dito ang mga ebidensya at pahayag na maaaring tanggapin o kuwestiyunin ng prosekusyon at depensa.

Ipinaliwanag niya na kung magkakaroon ng kasunduan sa ilang mga isyu, mas magiging mabilis at maayos ang takbo ng paglilitis. Ngunit kung tututulan ng kabilang panig ang mga ito, kinakailangan pa ring patunayan ang mga naturang alegasyon sa pamamagitan ng mga ebidensya at testigo.

--Ads--

Nakatakda naman ang pre-trial conference sa Hunyo 18 kung saan tatalakayin ang mga stipulation, listahan ng mga testigo, at mga dokumentong ihaharap bilang ebidensya sa kaso.