--Ads--

Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko hinggil sa tamang pagpaparada ng kanilang sasakyan upang makaiwas sa insidente ng carnapping sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Renoli Bagayao, Provincial Officer ng Highway Patrol Group (HPG) Isabela, sinabi nito na mahalagang tiyakin ng mga motorista na nasa ligtas at maayos na lugar ang kanilang mga sasakyan.

Aniya, kung magpaparada sa pampublikong lugar, ay mainam na ipuwesto ito sa mayroong nakabantay o security personnel, at sa mga designated parking areas upang maiwasan ang posibilidad na mabiktima ng carnapping.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na iwasang magparada ng sasakyan kung saan-saan lamang lalo na sa mga madidilim at liblib na ligar dahil maaari itong maging target ng mga masasamang loob.

--Ads--

Mahalaga rin aniyang tiyakin na naka-lock ng maayos ang sasakyan at huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob nito na maaaring makahikayat sa mga magnanakaw.