Ilang katao ang nasawi matapos araruhin ng isang sasakyan ang ginaganap na street festival ng Filipino Canadian community sa Vancouver Canada, ngayong araw.
Ayon sa Canadian Police, ilang pedestrian sa ginaganap na Lapu-Lapu Festival ang nabangga ng 30-taong gulang na tsuper mula sa Vancouver, alas-8 ng gabi, oras sa Canada.
Naaresto rin ito kalaunan at nasa kustodiya na ng pulisya.
Hindi naman makumpirma sa ngayon ang eksaktong bilang ng mga nasugatan sa selebrasyon ng Kulturang Pilipino sa nasabing lugar.
Tiniyak naman ng pulisya na hindi ito maituturing na act of terrorism.
Batay sa mga nakakita dumiretso ang sasakyan hanggang sa gitna ng block sa E. 41st Avenue and Fraser at ilang mga kataong sugatan ang naiwang nakabulagta sa kalsada.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Vancouver Police Department’s Major Crime Division sa pangyayari