--Ads--

Hindi parin handang magbalik sa Bansa ang mga Pilipinong nag tratrabaho sa Israel sakabila ng tumitinding kaguluhan.

Inhayag ni Bombo International News Correspondent Marc Pleños  na kahit sa kabila ng pangamba sa seguridad ay marami parin ang OFW na gaya niya ang ayaw paring umalis sa Israel dahil sa kadahilanan ng kanilang hanap buhay.

Aniya marami ang nangangamba na walang trabahong uuwian sa Pilipinas sakali mang mag desisyon silang umuwi na lamang dito sa Bansa.

Sa kabila nito ay naka monitor na ang embahada sa mga kaganapan at nabigyan na rin sila ng briefing sa mga dapat nilang gagawin kung sakali mang mas lumala ang tensyon.

--Ads--

May binuong group chat ang mga Filipino Community Leaders sa Israel kasama ang Philippine Embassy para makapag monitor sa kalagayan ng lahat ng mga Pilipino sa naturang bansa.