--Ads--
Inaasahang bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation nitong Hunyo, matapos itong tantiyahin ng mga ekonomista sa pagitan ng 6.5% hanggang 6.7%, mas mababa kumpara sa 6.8% noong Mayo.
Ayon sa mga analyst, nakatulong sa pagbagal ng inflation ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, mas murang pagkain, at pagbuti ng halaga ng piso.
Gayunman, nananatili pa rin itong higit sa target na 4% ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Nagbabala rin ang mga eksperto na maaaring magpatuloy ang pressure sa presyo dahil sa umento sa minimum wage, mataas na presyo ng pagkain, at banta ng El Niño at matinding panahon.
Dahil dito, inaasahang magpapatuloy ang BSP sa mahigpit na polisiya sa interes upang mapigilan ang inflation.
--Ads--











