--Ads--

Humingi na ng karagdagang dokumento ang Interpol sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng hiling nitong red notice laban kay dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, humihingi ang Interpol ng supplemental information at binigyan ang ahensya hanggang Pebrero 11 para maisumite ito bago magdesisyon sa kahilingan.

Tiniyak naman niyang normal ang proseso at patunay lamang na pinag-aaralan ng Interpol ang hiling ng ahensya.

Matatandaang nagsumite ng aplikasyon ang NBI para sa red notice laban kay Co noong Nobyembre 23, 2025. Kasama si Co sa mga pinaaaresto ng Sandiganbayan kaugnay ng flood control scandal.

--Ads--