--Ads--

Nagpahayag ang Iran at Israel ng pansamantalang paghinto ng kanilang mga pag-atake matapos ang panibagong palitan ng putukan, ang unang insidente mula nang magkaroon ng ceasefire noong Abril.

Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, pansamantalang tumigil ang Israel sa pag-atake ngunit iginiit niyang hindi pa tapos ang kanilang laban sa Iran at Hezbollah.

Nauna rito, sinabi ng Iran na itinigil na nito ang operasyon matapos ang malalang retaliation sa Israel, ngunit nagbabala ng mas matinding hakbang sakaling magpatuloy ang pag-atake.

Nagpalitan ng missile strikes ang dalawang bansa nitong weekend, habang tumugon ang Israel sa pamamagitan ng pagtarget sa mga sinasabing military sites sa Iran.

--Ads--