--Ads--

Inakusahan ng Iran ang Israel ng paglabag sa ceasefire sa Lebanon nang 84 na beses mula nang magkaroon ng memorandum of understanding sa pagitan ng Tehran at Estados Unidos.

Nagbabala ang Iran ng matinding tugon kung magpapatuloy ang mga pag-atake. Kasunod ito ng ulat na apat ang napatay sa southern Lebanon matapos ang operasyon ng Israeli forces.

Ayon kay US President Donald Trump, dapat maging mas responsable si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa sitwasyon sa Lebanon.

Samantala, iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na anumang kasunduan sa US ay dapat may kasamang pagpapaluwag ng sanctions, pagpapalabas ng frozen assets ng Iran, at pag-atras ng Israel sa Lebanon.

--Ads--

Sa hiwalay na usapin, sinabi ng Israeli Finance Minister Bezalel Smotrich na kinansela umano nila ang 1997 Hebron Agreement, na maaaring magbawas sa kapangyarihan ng Palestinian municipality sa West Bank.