Nagbabala ang Iranian navy nitong Miyerkules sa mga barkong malapit sa Strait of Hormuz na kailangan pa rin ng mga ito ang pahintulot mula sa Tehran bago makatawid sa naturang strait.
Ayon sa ulat, nagbabala ang hukbong dagat ng Iran sa pamamagitan ng na wawasakin ang anumang sasakyang pandagat na susubukang dumaan nang walang permiso.
“You must receive permission from Iranian Sepah navy for passing through the strait. If any vessel tries to transit without permission, will be destroyed,” saad sa mensahe.
Ang banta ay inilabas matapos ihayag ni US President Donald Trump na papayag siyang suspindihin ang mga pag-atake laban sa Islamic Republic sa loob ng dalawang linggo, ngunit sa kondisyon lamang na bubuksan ang Strait of Hormuz sa paraang “kompleto, agaran, at ligtas.”
Batay sa ulat, karamihan sa mga barko ay nananatiling nakatigil sa Strait of Hormuz habang patuloy na naggigiit ng kontrol ang Iran sa naturang daluyan.
Sa mga larawan at video na ibinahagi ng mga tripulante, makikita ring may mga warplane o eroplanong pandigma na lumilipad sa Persian Gulf.
Ang Strait of Hormuz ay isang makipot na anyong tubig na may lapad lamang na 34 kilometro (21 milya) sa pagitan ng Iran at Oman. Ito ang nagsisilbing pangunahing daanan mula Gulf patungong Indian Ocean at dinadaanan ng halos ika-limang bahagi (1/5) ng suplay ng langis sa mundo at iba pang mahahalagang produkto gaya ng pataba.











