--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang tsuper habang tatlo ang nasugatan matapos bumangga ang isang motorsiklo sa kolong-kolong sa national higway sa Rang-ayan, Lunsod ng Ilagan.

Ang kolong-kolong ay minaneho ni Balbino Telan, 65 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Batong Labang, Ilagan City habang ang tsuper ng motorsiklo ay si Johnny Ramonam, 37 anyos, may asawa, construction worker at residente ng Barangay Fuyo, Lunsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, binabagtas ng kolong-kolong na minamaneho ni Telan ang lansangan patungong silangang direksiyon habang nasa kasalungat na direksyon ang motorsiklo.

Bigla umanong nawalan ng kontrol sa minamanehong kulong kulong ang tsuper nito dahilan upang umagaw sa linya ng kanyang kasalubong na motorsiklo na nagresulta banggaan.

--Ads--

Nagtamo ng malalang injury sa katawan ang tsuper ng motorsiklo at idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Nagtamo rin ng matinding injury sa katawan ang tsuper ng kolong-kolong at angkas na si Gabby Telan, 26 anyos at residente ng Batong Labang, Lunsod ng Ilagan at isang menor de edad.