--Ads--

Nasaksihan ng milyun-milyong katao sa United Kingdom at iba pang bahagi ng Europa ang isa sa pinakamalaking solar eclipse sa loob ng halos 30 taon.

Mahigit 90% ng araw ang natakpan ng buwan sa UK sa isang partial solar eclipse, habang namataan naman sa ilang bahagi ng Spain, Iceland at Greenland ang total solar eclipse kung saan tuluyang nagdilim ang kalangitan sa loob ng ilang minuto.

Nagtipon ang malalaking grupo sa iba’t ibang viewing sites upang panoorin ang pambihirang astronomical event.

Ayon sa mga astronomer, bihira lamang maranasan ang total solar eclipse sa isang lugar, na karaniwang nangyayari isang beses kada halos 400 taon.

--Ads--

Inaasahan namang magkakaroon pa ng tatlong total solar eclipses sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula 2026 hanggang 2028.