--Ads--

CAUAYAN CITY -Hindi inaasahan ng 19 anyos na si Ryan Jay Lumaoang Lomboy nagtapos sa Cagayan State University Andrews Campus sa Tuguegarao City na makakapasok siya sa top 10 sa medical technology licensure examination 2019 matapos niyang makakuha ng rating na 88.90%.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lomboy ng Vira, Roxas, Isabela , sinabi niya na hindi niya inasahan na maipapasa niya ang kaniyang pagsusulit.

Ginawa lamang umano niya ang lahat ng kanyang makakaya at nag-aral na mabuti.

Inamin niya na sa unang yugto ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo ay hindi ganuon kaganda dahil madalas siyang babad sa computer games.

--Ads--

Idinagdag pa ni Lomboy na hindi pa huli para magbago at mapag tagumpayan ang mga mithiin sa buhay kapag pinagsikapan.

Si lomboy ay rank 10 kasama niya si Graciela Mariel Quintos Cabreros ng Saint Louis University.

Matalik na kaibigan naman ni Lomboy ang Topnotcher na si John Steward Buenavista Alberto na nakakuha ng rating na 91.10%