--Ads--

Isang aksidente ang naganap sa bayan ng Cabatuan bandang alas-8:50 ng umaga na kinasangkutan ng isang closed van at isang trailer truck.

Batay sa paunang impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, nawalan umano ng preno ang closed van habang bumibiyahe at napansing pagewang-gewang na ito kahit malayo pa. Sa parehong oras, palabas naman ng isang rice mill ang trailer truck nang maganap ang insidente.

Agad namang nakatalon ang driver ng closed van upang makaiwas sa mas matinding pinsala, habang ang kanyang pahinante ay nagtamo ng sugat sa paa.

Samantala, ligtas at walang tinamong anumang sugat ang driver ng trailer truck.

--Ads--

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang detalye ng insidente.