--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang kumpirmadong nasugatan sa salpukan ng SUV at Trailer Truck sa Brgy. Putlan, Carranglan, Nueva Ecija.

Bahagyang nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang aksidente sa lugar , napag-alaman na ang trailer truck ay patungo sa timog na direksyon habang nasa kasalungat na direksyon naman ang SUV.

Batay sa mga initial na impormasyon ang trailer truck ay bumangga sa SUV habang sinusubukang mag-overtake.

Nasugatan ang drayber ng SUV at agad na dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

--Ads--

Naglagay na ng mga early warning devices ang Department of Public Works and Highways – Nueva Ecija 1st District Engineering Office sa lugar at mahigpit na binabantayan ang sitwasyon, nagpadala narin ng mga maintenance personnel upang tumulong sa lugar.

Kasalukuyan naman ang ginagawang pagsisiyasat ng PNP Carranglan sa aksidente habang isinasagawa ang clearing operations.