--Ads--

Lumilitaw ang mga senyales ng stagflation sa ekonomiya ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2026, ayon sa mga ekonomista, dahil sa mabagal na paglago ng ekonomiya kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Tinatayang nasa 3.4% ang GDP growth sa unang quarter, habang maaaring umabot sa 5.4% ang inflation sa Abril, na lampas sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa mga ulat, naaapektuhan ang ekonomiya ng mahinang konsumo, mabagal na government spending, at pagtaas ng presyo ng langis at pagkain.

Binigyang-diin ng mga eksperto na posibleng manatiling mahina ang paggasta ng mga kabahayan habang nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

--Ads--