--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang pulis sa naganap na banggaan ng motorsiklo at kotse kagabi sa kahabaan ng Pambansang Lansangan sa Brgy. Sillawit.

Kinilala ang biktimang na si Carlo Angelo Gaffud, dalawamput siyam na taong gulang, single, isang PNP member na naka-assign sa Cabatuan Police Station, at residente ng Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, may ari at driver ng Tricycle na Yamaha R15, color blue, walang plaka.

Habang ang suspek ay si Ronie Aquino Jr, dalawamput tatlong taong gulang single, Medical technologies, at residente ng Purok 2, San Miguel, Luna, Isa., may ari at driver ng hyundai accent, color white, na may plate no. TXZ 111.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya, binabagtas ng dalawang sasakyan ang daan pahilaga kung saan nasa unahan ang sasakyan ni Aquino habang sumusunod naman ang motorsiklo na minamaneho ni Gaffud .

--Ads--

Matapos marating ang harapan ng isang gasolinahan ay tinangkang iwasan ni Gaffud ang barikada ng inaayos na kalsada na naging dahilan upang mabangga nito ang likurang bahagi ng sasakyang minamaneho ni Aquino at nagresulta paghandusay nito sa shoulder ng kalsada at nagtamo ng malalang sugat sa katawan habang binangga naman ng sasakyan ni Aquino ang isang tricycle sa kabilang shoulder ng kalsada.

Agad na dinala ng mga rumespondeng personnel ng rescue 922 ang biktima sa ospital para sa agaran sanang serbisyong medikal ngunit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

Samantala matapos ang aksidente ay agad tumakas ang suspek na si Aquino patungong Reina Mercedes.

Agad namang umaksyon ang mga kasapi ng Cauyan City Police Station at isinagawa ang hot pursuit operation at nakipagkoordinasyon na rin sa Reina Mercedes Police Station.

Inaresto ng mga kasapi ng Reina Merceedes Police Station ang suspek na naharang sa kanilang checkpoint at itinurn over sa Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon.

Si Aquino ay kasalukuyan nang nakapiit sa Cauayan City Police Staion at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Damage to Property.