--Ads--

Pumalag ang vlogger na si Jack Agorta sa posibleng subpoena ng NBI kaugnay ng umano’y pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa Facebook, binatikos niya si Atty. Jesus Falcis na nagsabing posibleng lumabag si Agorta sa data privacy at fake news laws.

Giit ng vlogger, nakita niya ang dokumento sa social media at pina-enhance gamit ang ChatGPT. Depensa pa niya, biro lamang ang komento tungkol sa “kanser” ng Pangulo at hindi niya intensyong manalangin ng masama.

Ayon sa NBI Acting Director Lito Magno, iniimbestigahan ang pagkalat ng dokumento bilang national security concern. Dagdag pa ni Falcis, maaaring masaklaw ng kaso ang cyberlibel, false news, at data privacy violations.

Iginiit ni Agorta na hindi niya dinelete ang mga post, kundi tinanggal ng Meta, at hinamon ang iba na ipakita ang orihinal na medical record para mapatunayang peke.

--Ads--

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang.