Nasungkit ni John Cabang Tolentino ang bronze medal sa men’s 110-meter hurdles finals ng 2026 Asian Games sa Japan.
Nagtala si Tolentino ng 13.48 segundo para sa ikatlong puwesto, likod nina gold medalist Chen Yuanjiang ng China na may 13.15 segundo at silver medalist Rachid Muratake ng Japan na may 13.29 segundo.
Itinuturing itong redemption ni Tolentino matapos siyang magtapos sa ikaapat na puwesto sa parehong event sa nakaraang Asian Games sa Hangzhou, China.
Ang kanyang 13.48 segundo ay season-best, na mas mabilis sa dati niyang 13.63 segundo na naitala noong Hunyo 2026.
Ito ang unang athletics medal ng Pilipinas sa 2026 Asian Games.
Sa pinakahuling medal standing nangunguna ang China sa dami ng nakukuhang medalya.
Nasa ikalawang puwesto ang host country na Japan, habang nasa ikatlong puwesto ang South Korea.
Para naman sa Team Philippines, umakyat sa kabuuang 13 medalya ang ating bansa matapos madagdagan ng dalawang bronze medal kahapon.
Mayroon nang dalawang gold, dalawang silver at siyam na bronze medal ang Pilipinas.
Matatandaan nan nangunguna naman sa gold medal haul ng Pilipinas si Carlos Yulo, na nakapag-uwi na ng dalawang gintong medalya mula sa artistic gymnastics.











