--Ads--

Nagtala ng panibagong rekord ang banking industry sa Pilipinas matapos lumampas sa ₱31 trilyon ang kabuuang assets ng mga bangko noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa pinakahuling datos ng BSP, umabot sa ₱31.13 trilyon ang kabuuang assets ng mga bangko sa bansa noong Hunyo, mas mataas ng 10.4% kumpara noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga assets na ito ang cash, pautang, investments, real-estate properties na nakuha mula sa mga hindi nabayarang utang, at iba pang ari-arian ng mga bangko.

Samantala, tumaas sa halos ₱22.39 trilyon ang kabuuang deposito ng mga kliyente, na nananatiling pangunahing pinagkukunan ng pondo ng mga bangko.

--Ads--

Tiniyak naman ng BSP na nananatiling matatag ang kalagayan ng sektor ng pananalapi sa bansa at mas handa na itong harapin ang mga epekto ng pandaigdigang krisis at pagbabago sa ekonomiya.