--Ads--

Ipinatupad ng mga kompanya ng langis ang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong umaga.

Sa pagtaya ng oil industry, mababawasan ng P0.80 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang kerosene naman ay may tapyas din sa P0.50 ang kada litro.

Nasa P0.20 naman ang mabawas na kada litro ng diesel.

--Ads--

Ang kapiranggot na oil price rollback ngayong umaga ay bunsod ng banta ni US President Donald Trump na taasan ang taripa ng mga produkto mula sa Mexico, Canada at iba pang mga bansa na maaring magdulot nang pagbagal ng ekonomiya sa buong mundo.

Isa pang dahilan ay ang paghupa ng tensyon sa Middle East bunsod ng peace talks.