--Ads--

Nasungkit ni Formula One championship leader Kimi Antonelli ang panalo sa kanyang home Italian Grand Prix sa Monza matapos umakyat mula ika-19 hanggang unang puwesto.

Nagtapos na runner-up ang kanyang Mercedes teammate na si George Russell, habang pumangatlo si Max Verstappen ng Red Bull.

Ito ang unang panalo ng isang Italian driver sa Monza mula noong 1966 at ikapitong tagumpay ni Antonelli ngayong season.

Dahil sa resulta, lumaki sa 66 points ang lamang ni Antonelli kay Russell sa standings matapos ang 13 karera.

--Ads--