--Ads--

Nasungkit ni Red Bull driver Max Verstappen ang kanyang kauna-unahang panalo sa Singapore Grand Prix matapos manguna sa buong 62-lap race sa Marina Bay Street Circuit.

Natapos ni Verstappen ang karera nang 7.335 seconds ang lamang kay Ferrari driver Charles Leclerc, habang pumangatlo naman ang Mercedes driver na si Andrea Kimi Antonelli. Ito ang ika-73 career victory ni Verstappen sa Formula 1 at ang ikalawang sunod niyang panalo.

Napanatili ni Verstappen ang pangunguna mula sa simula hanggang finish line, sa kabila ng maagang hamon ni Leclerc at mga problema sa komunikasyon sa kanyang koponan.

Samantala, pumang-apat at pumanglima ang McLaren drivers na sina Lando Norris at Oscar Piastri. Nagtapos naman sa ikaanim na puwesto si Lewis Hamilton ng Ferrari matapos makaranas ng problema sa gulong at mapalampas ang pit-lane entry habang may Virtual Safety Car period.

--Ads--