--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinansela ng Our Lady of the Pillar College – Cauayan (OLPCC) ang klase matapos na makatanggap ng bomb threat sa naturang pamantasan.

Sa nakuhang impormasyong ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap umano ng mensahe ang OLPCC Supreme Student Council ng bomb treat.

Dahil dito ay agad na humigi ng tulong ang pamantasan sa PNP SWAT at Bomb Squad Team ng Cauayan City upang beripikahin ang naturang pagbabanta.

Kasabay nito ay pinayuhan rin ng mga otoridad na pauwiin ang mga mag-aaral at mga guro para sa kanilang kaligtasan.

--Ads--

Sa pagsusuri naman ng PNP, wala naman silang nakitang bomba sa paaralan.