--Ads--

Naiuwi na sa lalawigan ng Ifugao ang mga labi ng babaeng estudyante na natagpuang patay sa nasasakupan ng San Mateo Isabela.

Matapos na isailalim sa awtopsiya ay hindi na sinunod ang unang sinabi na cremation sa mga labi ng biktima at agad na itong iniuwi ng kanyang kapamilya.

Kinilala ang biktima na si Maehyezine Get-ang Concepcion, Computer Engineering Student ng Ifugao State University, may-asawa, may anak at residente ng Barangay Namnama, Alfonso lista, Ifugao.

Unang natagpuan ang bangkay ng biktima na nakagapos at nakabalot ng kumot na hinihinalang inanod lamang sa irrigation canal na nasasakupan ng Salinungan West San Mateo, Isabela.

--Ads--

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, tutulong lamang sila sa imbestigasyon at ang Alfonso Lista Police Station ang pangunahing magsisiyasat sa nasabing kaso dahil doon din naipa-blotter ang pagkawala ng biktima.

Tumanggi naman silang magbigay ng pahayag ukol sa impormasyon kung mayroon na silang lead o person of interest sa nasabing kaso upang maiwasan na makompromiso ang kanilang isinasagawang follow up investigation.