isang Most Wanted Person (MWP) ang naaresto kamakailan lamang mula sa mga tauhan ng San Agustin Police Station sa Purok 1, Brgy. Quimalabasa Sur, San Agustin, Isabela.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Junior,” 33 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing bayan. Siya ay nahaharap sa kasong Rape through Sexual Assault, sa ilalim ng Second Paragraph of Article 266-A ng Revised Penal Code, as amended by R.A. 8353, na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.00.
Ayon sa ulat, matagumpay na ipinatupad ng mga tauhan ng San Agustin Police Station ang Warrant of Arrest na inisyu noong Agosto 24, 2026.
Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Agustin Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at proseso bago ang kanyang turn-over sa issuing court.











