--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos malunod kahapon sa Baculod, Cauayan City.

Ang biktima ay si Felipe Bautista, 40 anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue 922, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang dalawang iba pa malapit sa water impounding facility.

Naisipan umano ng biktima na maligo sa water impounding facility para magpausaw.

--Ads--

Gayunman, napunta umano sa malalim na bahagi si Bautista at nalunod.

Sinasabing natagalan bago naiahon sa tubig ang katawan ng biktima dahil patay na nang idating sa ospital.