--Ads--

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape by sexual assault matapos itong dakpin ng pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit at Police Station 1 ng Santiago City Police Office sa Isang Bus Terminal sa Villasis, Santiago City.

‎Ayon sa pulisya, ang Traffic Enforcement Unit ang nagsilbing lead unit sa operasyon laban sa akusado na kabilang umano sa E-Warrant System ng Philippine National Police (PNP).

‎Batay sa ulat, isinilbi ang warrant of arrest na inilabas noong Mayo 18, 2026 ng Regional Trial Court Branch 24 sa Echague, Isabela.

‎May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P200,000.

‎Matapos maaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang naaayon sa Miranda Rights at isinailalim ito sa medical examination bago dinala sa kustodiya ng Santiago City Police Office habang hinihintay ang kaukulang proseso para sa kanyang pagharap sa hukuman.

‎Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.