--Ads--
Nasagip ang tatlong menor de edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Barangay Villasis, Santiago City, Isabela nitong Sabado, Agosto 22.
Kasabay nito, isang 21-anyos na babae ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation, habang pinaghahanap naman ang umano’y kasabwat nito.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 152 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱31,600, gayundin ang tatlong cellphone at ilang drug paraphernalia.
Ang tatlong menor de edad ay ini-refer sa kinauukulang awtoridad para sa assessment at kaukulang disposisyon.
--Ads--
Nahaharap naman ang naarestong suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











