--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkakaloob ang pamahalaang bayan ng Roxas at ang Department of Public Works and Highways ng tulong sa pamilya ng menor de edad na nasawi matapos madaganan ng semento sa ginagawang kalsada sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jonathan Jose Calderon ng Roxas, Isabela kanyang sinabi na nang mabalitaan nila ang insidente ay kaagad silang nakipag-ugnayan sa pamilya ng biktima upang magpaa-abot ng tulong.

Aniya sana’y magsilbi umano itong babala sa mga contractor na magkaroon ng mas mahigpit na seguridad sa mga ginagawang proyekto upang hindi na maulit ang pangyayari.

Tiniyak naman ng alkalde na isolated case lamang ang aksidente subalit aminado naman siya na maraming mga bata ang nagtatrabaho upang makatulong sa kanilang mga magulang lalo na ngayong bakasyon.

--Ads--

Mahigpit naman umano ang pagbabantay ng LGU Roxas katuwang ang Department of Labor and Employment upang maiwasan ang child labor.