Muling naging sentro ng atensyon sa Hollywood si Liza Soberano matapos rumampa sa 2026 Governors Awards sa Los Angeles, California, suot ang powder-blue long gown na likha ng designer na si Yara Shoemaker.
Nakibahagi siya sa red carpet kasama ang mga kilalang Hollywood stars na sina Emma Stone, Timothée Chalamet, Zendaya, Tom Holland at Charlize Theron.
Patuloy namang umaarangkada ang international career ni Soberano sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto, kabilang ang animated film na Forgotten Island ng DreamWorks Animation, comedy series na The Moons of LA, at pelikulang Imprint, kung saan magsisilbi rin siyang executive producer.
Bukod dito, nakakuha ng dalawang nominasyon sa 2026 Hollywood Music in Media Awards ang kantang “BRB,” na collaboration nina Soberano at H.E.R., sa mga kategoryang Song – Animated Film at Music Video.
Mayroon din siyang collaboration sa Oscar-winning British documentary filmmaker na si Orlando von Einsiedel para sa mga kampanyang nagtatampok sa documentary cinema at human connection.









